Anong
feeling ng inlove?? Ang sarap sa feeling dba, Lalo na kapag alam mong mahal na
mahal nyu ang isa’t isa, napapangiti ka sa simpleng messg. na binibigay nya, na
para sayo ang laki ng bagay. Pero ano naman ang feeling ng nasaktan dahil sa
pag-ibig?? Doble doble naman ang sakit na mararamdaman mo, lalo na ang dahilan
ng pag-iyak mo ay ang taong mahal na mahal mo at ang laki na naging parte nya
sa buhay mo, yung iiyak ka nalang bigla dahil maalala mo yung pinag-awayan nyu.
Na lagi mong maiisip na hnd ka importante sa kanya dahil sa wala na syang oras
sayo, Na puro hinala ka nalang dahil sa mga nagawa nyang kasalanan sayo.
Pero
naisip mo narin ba kung may mali kang nagawa sa kanya, problemado na nga sya
dumadagdag kapa na lalong nagpapainit ng ulo nya, hindi mo ba naisip na may
kailangan syang unahin bukod sayo, na mas kailangan nya ng pag-unawa mo at
mahabang pasyenya. Dahil sa buhay ng isang tao may obligasyon tayo na mas dapat
unahin at gampanan. hindi lang sayo umiikot ang mundo nya, Dahil ikaw din ay
may dapat gampanan sa buhay para sa pamilya mo.
Kung
talagang mahal mo sya, uunawain mo sya, magbibigay ka ng mahabang pasyensya sa
kanya, kung nagkasala man sya noon, Mag-move-on ka dahil nakaraan na yun at
hindi na pwedeng ibalik pa, hnd na pwede pang baguhin at ang maganda nalang
gawin ay tanggapin mo ang katotohanan. Oo masasaktan ka talaga, peo ano ang mas
gusto mo? malaman mo ang katotohan o matakpan nalang ang kasalan?
Minsan
masakit talaga ang katotohanan, pero kailangan tanggapin, tha’s life eh! kasama
sa buhay ang masaktan minsan ng sobra pra may matotonan at malay mo yan pa ang
magpabago sayo.Minsan kailangan magpaka-martir, tumanggap ng mali ng isang tao,
dahil tao lang sila, hnd perpekto,at dahil tao ka lang din kailangan mong
magpatawad at tanggapin ang katotohanan, maging bukas tayo sa lahat ng bagay,
dahil kung kayo talaga, ipagpaubaya mo sa Diyos. May plano sa inyo ang Diyos
kung bakit pinakilala kayo sa isa’t isa.
Pag-unawa,
pagpapasyensya, pagpapatawad at maging bukas sa lahat ng bagay dahil dyan kayo
magtatagal. dahil hnd kau magtatagal kung puro pagmamahal lang ang umiiral, at
hnd rin kayo magtatagal kung puro hinala ang binibigay mo sa kanya, kasabay ng
pag-tibok ng puso mo sa kanya wag mong kalimutan pairalin ang utak, dahil hindi
man nagkakamali ang puso at hindi pumipili ng mamahalin wag parin kalimutan
pairalin ang utak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento