Linggo, Enero 25, 2015

Put God in life as a first priority, i am very inspired to our Professor in Philosophy, he always incourage us to be a better person, i always feel the presence of God in his subject, he is a good person and i can feel it, a very posotive thinker, i learned a lot on his subject and he always put God in every discussion.
"In life you have a choice that can make difference in yourself". if you want to success in life you have to be a positive thinker and never give up, and also don't forget to put God in life.

For the man i love the most (JM)

Hi, hello ? I don’t know where to start but I have a question. Have you ever been inlove to someone na ibibigay mo lahat sa kanya? Yung todo.todo, tagos-tagusan? Yung halos makalimutan muna magtira sa sarili mo, halos magpakatanga at uubusin ang luha sa kanya, yung guguho mundo mo kapag nawala sya? Nakakabaliw dba ?
Nagdadalawang-isip ako na sagutin sya nung una dhil sa nalaman ko, may gf pa sya sa kanila at kaparehas pa ng endearment nmin. Kaya bli.nock ko sya sa fb at ibaon sa limot, nanliligaw pa nga lang sya may nalaman na kagad ako. Nagtaka sya kung bakit daw ako lumayo sa kanya at madalang na magparamdam, kaya sinabi ko sa kanya yung totoo, at sinabe ko rin sa kanya na galit ako sa taong mga manloloko. Ngunit nagpatuloy prin sya sa panliligaw skin, umabot yun ng 2 months bago ko sya sinagot.

Nung sinagot ko sya hnd ko pa sure sa sarili ko kung seseryusuhin ko sya dahil sabe ko sa sarili ko bata pa ako at enjoy lang ang life na meron ako at dahil nrin sa nalaman ko kaya medyo nag-aalangan pa ako. I was 17 that time, next year 18 na kaya super excited. May mga dumadaan na ding mga lalaki sa buhay ko pero parang mga puppy love lng o kaya MU peo hnd nmn sila nagtatagal, at hnd rin nmn sila karamihan. Nagkaron ako ng sabay sabay na BF pero alam ko rin nmn na hnd nila ako seneseryoso.
At our first month, bago bago palang kame nakapagsinungaling na ako sa kanya. Hnd ako nagloko ah! Dahil yun sa issue ng di ko pagsasabe nang totoo. Nasa school ako nung katext ko sya, kasabay nun ang praktis ko cheering squad for our department peo hnd ako nakapunta, kaya napag-isip-isip ko magkita kame, simula kce nang maging kame hnd ko pa sya nakikita, sa fb lang at kapag nagkakachat kame at nag-oopen sya ng cam. Busy sya kaya ako nalang daw ang pumunta sa meeting place namin, sacristan kce sya sa isang malaking church at bawal sya lumayo dhil kailangan dun oras-oras, hnd ko pa masyado alam kung gaano kaimportante ang work nya at kung gaano ka-busy sya. 
Papunta na ako sa sakayan ng bus at jeep peo nagdadalawang-isip prin ako dhil kht kilan hnd pa ako nakakabyahe nang mag-isa papunta sa meeting place namin. Kaya pinadaanan ko lahat nang nasa contact ko pra may kasama naman ako kht papaano, mahina kce loob ko at natatakot ako byumahe mag-isa, idagdag pa ang mahina kung sense of direction kaya madalas na naliligaw. May mga nagreply naman peo bawal daw sila, kaya lalo akong nagdalawang-isip na pumunta, halos palakad-lakad ako  sa waiting shed dahil pinag-iisipan ko ba kung tutuloy ako or next time nlang, peo may isa pa akong di pinadaanan ng text, si Ex. Nang tinext ko sya nagreply sya kagad at pumayag na sasamahan nya ako at nagkasundo kame na once na dumating kame sa lugar na pupuntahan namin ay iiwanan nya na ako kagad at pumayag nmn sya, peo hnd ko sinabe kung sino pupuntahan ko sa lugar na yun. So I decided na maghintay, feeling ko almost 30 mins ako naghintay, mainipin kse ako at wala pang makausap. Naka-uniform pa nga ako that time at may dala-dalang paper bag at naka-heels pa kaya medyo masakit sa paa. Nakita pa nga ako ng tatay ng isa sa mga friend ko, naquestion tuloy.
Nang dumating si ex pinapalayo ko sya skin sa paglalakad dhil baka may makakita smin na kakilala ko at sbhin na BF ko. Maitsura sya peo mas tangkad ako ng konti, oo minahal ko rin yun at kinikilig ako sa kanya dati peo sbe ko sa sarili ko hnd kame magtatagal dhil sa physical appearance, medyo important kce skin yun eh. Panget kce tingnan kung maliit si BF at matangkad si GF, mahirap maintriga at idagdag pa na tutol si mama kaya hnd kame nagtagal. Nasa bus na kame nang kinukulit nya ako kung sino ba daw pupuntahan ko sa lugar na yun, peo ang sagot ko lng, tita ko ang pupuntahan ko dun. Alam nmn nya yung lugar na yun dahil sa klase ng trabaho nya kaya medyo panatag ako. Nang makababa na kame agad ko sya tinext, peo hnd nagrereply kaya napag-isipan muna naming kumain sa mcdo. Nahiya pa nga sya kumain sa harap ko dhil naiilang daw peo yung pagkain ko ubos na, kapal ko. Nagtext sya skin na “kakatapos lang nya maligo at asan naba daw ako?”, kaya pinamadali ko na kumain si Ex. Di pa nga nya naubos ung pagkain nya at inupakan lang ay yung sundae, ako nmn dadalhin ko na lang sana yung sundae kaso nung paglabas namin ng mcdo, hiningi ng batang pulubi kaya binigay ko nalang, nakakaawa rin, nakakakain rin nmn ako nun. halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Nang papunta na sya, sa baba ng overpass kame naghintay, alam nmn na ni Ex kung ano ginagawa ko dun at kung sino hinihintay ko kaya hnd nrin sya nagtanong. Finally ng dumating na sya halos di ako makapaniwala na sya yun, speechless pa nga. Peo sya ang laki ng ngiting bumungad skin at hinawakan nya kagad ako sa kamay kaya ako humawak din, nginitian ko rin sya nun. Usually kce kpag first time ko makipagmeet sa mga Ex BF ko nahihiya pa humawak sa kamay ko. Peo sya hinawakan kagad at ang bango pa ng kamay kaya lalong dagdag pogi points. Agad ko naming pinakilala sa kanya si EX as a friend na nagmamalasakit ihatid ako sa destinasyon ko, kanina ko pa kce sya sinabihan na sumakay na pauwi peo nagpumilit sya na sasamahan nya ako maghintay, medyo nakakairita yung kakulitan nya, isa rin yun sa dhilan kung bakit pinilit kung makipaghiwalay na sa kanya. Nagkamayan silang dalawa at nagpakilala sa isa’t isa. Ok na sana nung tinanong nya skin kung sino ba daw kasama ko, sbe ko kaibigan ko, peo biglang sumingit si Ex at sinabing Ex nya ako pre, peo tinanggi ko lng yun all the time. Nahihiya kce ako malaman nya, baka kung ano pa isipin nya. Hinatid na namin sya sa sakayan pauwi. Yun kce sbe ko sa kanya nung ayaw nya pa umuwi, once na kasama ko na ang bf ko umuwi na sya, umuwi nrin nmn na sya kagad at kameng dalawa nalang ang bumalik sa simbahan, gagampanan daw muna nya ang trabaho nya as sacristan. Habang naglalakad kame kinukulit nya ako kung sino daw ba tlga yun, ang tanging sagot ko lng ay kaibigan ko, hnd rin daw nya nagustuhan yun dahil ang angas ng dating sa kanya. Nang makarating na kame sa church Hinintay ko muna sya matapos sa mass dahil sya ang nakaassign na sacristan tuwing hapon, at the same time nakasimba nrin ako. Pagtapos ng mass nagsimula na kame magkwentuhan at magbonding, pinakilala pa nga nya ako sa mga kaworkmates nya. Kwentuhan at biruan. Gusto pa nga nya magpicture daw kame kso nahihiya ako, wala akong ayus sa mukha nun at parang haggard, kaya ako nlang pinicturan nya kht may takip ang mukha ko, balak pa nga daw nya ipost sa fb ang picture na yun. Nag-aya sya magpalamig daw kame sa pinakamalapit na mall sa kanila, pumayag naman ako kaya nagpaalam sya kagad sa kaworkmate nya, incase daw na hanapin sya. Ang saya ng gabeng yun para skin, habang kasma ko sya parang  ang bilis ng oras, nakakatuwa dahil ramdam mo sa sarili mo na mahal Karin nya, kaya dun ko narealize na time na para magseryoso ako. Nang makauwi ako samin super happy at goodvibes dahil sa kanya. Ngayong nakita ko na sya, gusto ko na araw-arawin Makita sya.
Second meet up nmin napagdesisyunan namin na sa wildlife kame magkita dhil alam ko rin nmn yung lugar na yun at nakakapunta na ako dun, hnd nakakakabang maligaw dahil kabisado ko nmn kung ano itsura nun, madalas kce kpag byumabyahe ako may kasama lage, Malabo kce mata ko noon at mahirap makabasa ng mga sign, peo ngaun may eyeglasses na ako, tinatanggal ko nmn un kpag makikipagkita ako sa kanya dhil baka maturn-off sya skin, mahirap na, last meet up naming tinaggal ko eyeglasses ko nun dhil nahiya pa ako magpakita sa kanya na nakasalamin, ginagamit ko lng yun kpag nsa klase ako. Kung ededescribe ko nga in one word yung last meet up nmin, pwede ko sabhing MAGICAL feeling ko kce kame lang ang tao sa lugar na yun, Masaya ako kpag kasama sya. Nakakakilig kpag nagpipick-up lines sya skin. Kpag ngumingiti sya skin at nawawala ang mata nya super cute nya. I love the way he looks at me, kung pwede nga lang iuwi sya sa bahay gagawin ko, ibubulsa ko sya kung maaari lng, dhil gusto ko sa tabi ko lng sya. Kso hnd pwede dhil marame pa syang dapat gampanan sa trabaho nya, which is hnd ko pa maintindihan nung una.
Dahil sa kupad ko kumilos almost 3 hours yata sya naghintay nun sa wildlife, nag cutting classes pa nga sya para magkita lang kame, idagdag pa na umulan nung madaling araw kaya lahat ng upuan dun basa, almost 3 hours din sya nakatayo. Laging reply ko sa kanya na otw na ako kht ang totoo nsa bahay pa ako at nagbibihis, ngunit may purpose tlga kung bakit ko sya pinaghintay nun, para malaman ko kung tatagal sya skin. Kung kaya nya dalhin ugali ko. Kung kaya nya ako tanggapin sa ugali ko kung ano man matuklasan nya skin ay tanggap nya ako. Peo nakonsyensya din ako sa kanya  nung sinabe nyang halos nakatayo sya sa paghihintay, uupo man sya peo saglit lang dhil basa sa ulan ang mga upuan dun. Nung nakita ko sya nun may halong kaba prin at ilang kht bf ko na sya, hnd nga maipinta mukha nya sa tagal ng paghihintay nya, kinawayan ko sya nun at nginitian kht medyo gusto ko na lumubog sa nilalakaran ko sa sobrang hiya dhil pinaghintay ko sya ng matagal, ewan ko ba kung bakit ang bilis lagi ng oras kpag nagkikita kame, napaka-unfair tlga ng time. Sinalubong ko sya ng halik nun, nabigla nga ako  sa ginawa ko dhil hnd ko nmn tlga Gawain un, peo gusto ko rin nmn, pampatanggal sana ng badtrip nya skin, sana nakatulong yun, habang naglalakad kame naisipan nmn humanap ng lugar na pwede pag-upuan at makapagmoment nmn. She kissed me like I was the last girl on earth, hanggang sa natuto ako nun, halos habulin ko hininga ko nun dhil hnd nya pinapakawalan mga labi ko, labi nyang sabik humalik, but it’s feel good. At ngayon hinahanap hanap ko na ang ganung halik nya. Ang saya saya naming nung araw na yun, medyo inataki nnmn ako ng katangahan nun dhil nung tatalunin sana nmin yung putik pra makatawid, nabitin ako sa pagtalon kaya ayun lumubog sapatos ko, tinawanan lang naming yun, sobrang saya, may mga unforgettable moment din kame dun, ung sumasayaw sya habang bini.videohan ko sya, nakakatuwa dhil ginawa nya yun para skin, kaso talagang mapaglaro ang panahon dahil tuwing kasama ko sya lagi nlang mabilis ang takbo ng oras. Ilang oras ko lng sya nun kasama kaya nakakabitin, gusto ko pa sana e.extend ang oras na magkasama kame kaso hnd daw sya pwede. Hnd pa nmn daw ito ang huli naming pagkikita, hinatid nya ako hanggang sa makasakay ako, he give me a goodbye kiss in public which is not may nature, Public Display of affection, nahiya pa nga ako sa driver nun dahil titig na titig skin nung sumakay ako, nakita sguro nya yung kiss nmin. Buti nlang at dalawa pa lang kameng pasahero, hnd ko nlang pinansin at inisip ko nlng na mahal ko nmn eh kaya okay lng. Nung nakasakay na ako at papalayo na yung sinasakyan ko halos gusto ko tumalon sa jeep nun at isama sya, maluha luha pa nga ako nun dhil hnd ako sanay, OA na ako kung OA ok lng, nagmamahal eh. Kaso hnd sya pwede. Kaya nag-isip ako nun kung paano ko sya makakasama nang matagal. May work pa sya at diretso ako sa praktis nun kaya may limit din kame sa oras ng pagkikita nmin, kailangan tanggapin. Napadalas ang pagkikita naming yun. Nagpasya ulit kame magkita pagkatapos ng klase ko, ayaw nya ksing nagka.cut ako ng klase, peo sya oo, ginagawa nmn nya un pra skin kya super appreciated ko yun. Sa wildlife ulit nmin nagpasyang magkita. Holding hands while walking na sobrang kinikilig ako, gusto ko ipagsigawan sa buong mundo na sya BF ko, na mahal na mahal ko, at sya lng tlga ang nagparamdam na kung ano feeling ng may bf na mahal na mahal ka. Masaya kame nun at sinusulit ang bawat oras na magkasama kame, nagpicture pa nga sya habang nakaunan sya skin, medyo nahihiya pa nga ako nun peo sya game na game. Ang sweet namin, kulang nlang ay langgamin kame. Medyo nagkaron pa nga ako nang kasalanan dun sa wildlife dhil sinulatan ko yung sementong upuan nila nang name naming dalawa at ang monthsary number. Kung pwede lang ihinto ang oras pra sya lang nakikita ko ay gagawin ko lahat mangyari lng yun. Nang araw nring yun gusto sya makilala ni mama, kaya sinama ko sya papunta sa lugar namin, nagpasya kame ni mama na magkita sa school ng kapatid ko dhil dun lang ang  pwede dhil hnd pa alam ni papa na mayBF ako, kso sa tagal ng paghihintay nmin ay hnd dumating si mama kaya nagpasya kame na pumunta sa lugar namin, medyo nakakahiya nga dhil hanggang labas lang muna sya dhil natatakot ako ipakilala kay papa at baka pagalitan nlang kameng dalawa na ayaw ko nmang mangyari, ok lng nmn sa kanya na sa labas muna kame at dun nlang hintayin si mama. Ang dameng nakakita smin nun na kakilala ko. Kapag tinitignan ko sya sa mata feeling ko nabubusog ako at nawawala pagod ko. Hanggang sa kailangan nya na umuwi at kung kilan umuwi na sya ay saka namn ang dating ni mama. Pagkakataon nga nman peo sabe nya ay babalik pa nmn sya dto smin. nakwento ko kay mama ang pagkikita namin at pinanood sa kanya yung video na sumasayaw sya. Nakakatuwa dhil legal na kame kay mama, at hnd nmn tutol.
Peo dumating yung isang bagay na pinaka-ayuko mangyari, ang magbreak kame, ang mag-away kame, nasa part nmn ng relasyon ang away bati, naging issue ulit smin ang hnd ko pagsasabi sa kanya ng di totoo sa naghatid skin nung unang pagkikita nmin, umiyak ako nun kaya tinanggap ko na wala na tlga kame. Para maka-move on balak ko na sana sagutin yung matagal ng nanliligaw skin peo pinag-isipan ko muna yun, nang pauwi na ako balak ko na tlga pumunta nun sa wildlife hnd pra kitain sya kundi para balikan yung mga memories namin na naiwan dun, nang nsa jeep ako bigla sya nagtx na “mahal prin nya ako”, at nagreply ako na “pupunta ako sa wildlife dun tau mag-usap”.
Pagdating ko dun hinawakan nya kagad kamay ko, peo ako walang response, lumayo ako saglit dhil tumawag skin si mama, nang matapos ang call pagbalik ko ay niyakap ko sya, hnd ko sya matiis, medyo nakatingkayad pa nga ako  dhil sa tangkad nya, niyakap nya rin ako, may dumaan ngang tao nun, magpapamilya ata peo hnd ko pinansin at niyakap lang sya ng mahigpit na mahigpit. At pagkatapos nun niyayang umalis na sa lugar kung saan madalas naming tingnan yung owl dun. Naglalakad lakad kame sa wildlife at dun nag-usap, dun din kame nagka-ayus ulit, sobrang mahal na mahal ko sya at lahat gagawin ko magtagal lng kame. Sa araw ring un nakilala sya ni mama nang sumama sya skin sa school ng kapatid ko. Sa isang relasyon hnd maiiwasan ang mga ganun bagay, mas lalo kayong pagtitibayin sa ganung sitwasyon.
Nagkaroon kame ulit ng pagtatalo na mauuwi sana sa break up kung hnd ko inayos at hnd sya inamo, dhil yun sa hnd ko pag-iintindi sa work nya, nagpakaselfish ako nun dhil hnd ko pa alam ang takbo ng trabaho nya, na kailangan oras oras andun sila dhil hahanap-hanapin sila ng amo nya. Sinabe ko rin sa sarili ko na hahaluan ko pa ng mahabang pag-iintindi sa trabaho nya. Sobrang minahal ko ang lahat sa kanya.
Nang magkita ulit kame nun ay sa circle ang meet up nmin, nung naghahanap kame ng C.r napadaan kame sa nag-uukit ng pangalan sa bracelet, nagustuhan nmin kaya nagpagawa kame, nahirapan pa nga kme mag-isip kung ano ilalagay na name sa bracelet, hnd ako prepared na gumawa nang magkasamang name nmin kaya nagpasya nlang ako na name at monthsary number nlang nmin ang ilagay sa bracelet, pumayag nmn sya kaya nagpagawa na kame, its take a minute to complete one bracelet, kaya medyo hnd matagal, inulit pa nga yung sa kanya dhil mali ang nailagay na name. nhiya pa nga ako dahil sya nagbayad, peo sa isip-isip ko bf ko nmn sya kaya babawe nlang ako. Naglakad-lakad kame sa circle, hnd nakakapagod kht puro lakad kame, kasama ko sya, kaya okay ako. Masaya ako, mahal ko.
Sa tuwing nagkikita kame gusto ko isigaw sa buong mundo na mahal na mahal ko sya, oras oras hinahanap ko sya, at hnding hnd ako mapapagod mahalin sya kht minsan nagkakatampuhan kame.
Sinasama rin nya ako kpag may lakad sya, tulad nlang nung sinama nya ako nang nagpamedical sya, requirements sa school nila, nung andun na kame sa clinic at lumapit sya sa counter ay nagtitilian ang mga babae, medyo nakaka-asar dahil nakakaselos, prang gusto mo lapitan ang mga babae dun at sabunutan para malaman nilang akin lang sya kso hnd nmn ako ganung tao. Habang naghihintay ako sa kanya ay nabasa ko yung text message nila ng Ex. Nya, nung first month nmin ay sila pa ng gf nya na taga Las pinas, hnd ko nlng pinansin yun dhil bka makasira pa ng lakad namin yun kaya medyo nag-alangan ako.  napadpad kame nun sa kalaw at luneta, first time ko pumunta sa luneta at sya pa ang kasama ko, sobrang full of memories ako nun. Sobrang gusto ko na tlga itigil ang oras nun at paalisin ang tao sa luneta park pra kameng dalawa nlang  at walang magulo. Hnd ko ramdam ang pagod kapag magkasama kame, naramdaman ko nlang once na nakauwi na ako at hnd na sya kasama, sana nga sabay kameng uwi sa iisang bahay lang kso hnd pa pwede may mga kailangan pa tlaga kameng gampanan sa buhay.
Sinama rin nya ako ng dalawang beses sa taguig kung saan sya nagtra.training ng ROTC, at dun ko naranasan makipagsiksikan sa tren kasama sya, halos magkayakap kame buong byahe, dun ko naramdaman tibok ng puso nya at init ng katawan nya. Halos ayaw ko na bumitaw sa pagkakayakap sa kanya kaso kailangan bumaba eh, moment na nga pinutol pa ng tren. Joke. Sobrang hinahanap hanap ko yun kaya kpag natutulog ako niyayakap ko ang unan at ini.imagine na nararamdaman ko prin ang tibok ng puso nya at init ang katawan nya. Sa maikling panahon marame na akong na-experience sa kanya, kung sansan ako napadpad , at ang Masaya dun ay kasama ko sya sa mga unforgettable moment na yun. Kinikilig ako sa mga effort na ginagawa nya, kaya nga nag-iisip ako kung ano pwedeng idea pra makabawe sa kanya. Ang sarap nya kasama.
Napuntahan ko rin ang hometown nya sa Las pinas nung minsang sinama nya ako pra kunin ang Birthcertificate nya, happy ako dhil napuntahan ko ang hometown ng taong pinakamamahal ko, kung saan sya lumaki at nagka-isip, nais kung makilala ang mga mahal nya sa buhay peo sa tamang panahon na. grave yung gala namin, kalaw, luneta, taguig at las pinas. Peo may sense nmn dhil sya ang kasama ko. Ok lng kung saang lupalop kame mapadpad basta sya kasama ko at Masaya ako sa kanya.
Kahit na minsan away-bati kame, mahal na mahal ko sya, part lang nmn ng relasyon yun eh. Malaki na ang naging parte nya sa buhay ko at natutuwa ako dahil sa ilang months namin ay madame na kameng memories.
Sumapit ang pasko nun at nag-iisip nrin ako nang pwede iregalo sa kanya, yung may sense at maaalala nya ako sa tuwing gagamitin nya yun, may nadaanan akong mug na personalized kaya nag-decide ako na yun ang iregalo sa kanya, halos basa nga ako ng ulan  nung hinihintay ko matapos yun, naabutan na ng ulan but still, hinihintay prin, puno nang pagmamahal yung mug na yun, yun ang naisipan ko sa kanya iregalo dhil gusto ko sa tuwing umaga ako ang nagpapa-init ng katawan nya. Balak kung ibigay yun pagsapit ng pasko kso nang pinapapunta ko sya smin ay hnd sya pwede kaya bumawe sya sa 4th monthsary namin, sinundo nya ako dito sa bahay at unti-unti nrin pinaalam kay papa, unti-unti nring natatanggap ni papa iyon, nanood kame ng cine, horror ang pinili ko pra may thrill at nakahug lang sa kanya habang nanonood, dun ko nrin binigay ang gift ko sa kanya. Mug na puno ng pagmamahal at magpapainit ng katawan nya, wala kce ako lage sa tabi nya na pwde magpainit ng katawan nya kpag nilalamig sya. Kaya dinaan ko nlng sa mug.
Again and Again, unforgettable moment nnmn yun smin. Isa sa pinakamasayang pakso para skin. Sobrang saya ko at nakilala ko sya, at ayaw ko na sya mawala sa buhay ko kaya gagawa ako ng ikakatuwa nya pra magtgal kame, ika nga ng iba gumawa ka ng ikakasaya ng mahal mo at magtatagal kayo. Kso minsan hnd mo maiwasan na madissapoint sya skin, hnd nmn ako perpekto kaya minsan nagkakamali din.
I don’t have any idea how to write a love letter peo ginawa kitang inspiration.

First of all mahal na mahal kita lage mong tatandaan yan, ni hnd ka nawaglit sa isip ko, bawat gabe ikaw laman ng isip ko.
Gusto kung gumising sa umaga na ikaw ang katabi, hahalikan kita kht walang toothbrush, magtatagalan tau ng muta, babatiin ka ng good morning, ipagtitimpa ka ng gusto mong kape, ipagluluto ka ng almusal, kakain tau ng sabay. Yayakapin ka bawat minuto, hahalikan ka bawat sigundo, hnd magsasawang mahalin ka at sbihan ng iLOVEYOU, hnd magsasawang intindihan ka kht minsan mainit ulo mo. Sa pag-gcng sa umaga hnd magsasawang mainLove sau, Gusto ko bumuo ng pangarap kasama ka, gusto ko bumuo ng pamilya kasama ka. Makilala ang mga mahal mo sa buhay. Gumawa ng mga memories kasama ka. Kht na minsan away bati tau peo bandang huli nag kakaayus nmn. Mahal na mahal kita at kulang ang salita pra idescribe ko yun. Kung nakikita mo lng laman ng puso ko sigurado wala ng space dahil sinakop muna. Isa ka sa dahilan kung bakit nabubuhay pa ako, at hnd ako mapapagod mahalin ka. Sobrang guguho mundo ko kpag nawala ka. Sorry kung minsan iniinis kita. Kaya kung magmahal habang buhay basta ikaw makasama ko, gusto ko tumanda kasama ka, maglakad habang may tungkod. Nakakatawa isipin peo ang sweet kpag inimagine. Aalagaan ka kpag nagkasakit ka. Papasiyahin tuwing gabe. Mamahalin ka bahang buhay I cant imagine life without you, please stay at my side, oras-oras ka hinahanap ng puso ko. Te amo forever and ever, paulit-ulit man peo hnd ako magsasawang sbhin yan sau.

Sumapit ang 18th bday nya peo wala ako sa tabi nya, peo atleast nakasama nmn nya mga mahal nya sa buhay, ok na ako dun at Masaya, sana nga nakasama ko sya pra naipagluto ko sya kht hnd ako masyado masarap magluto. Gusto ko kce lage ako sa tabe nya, tutulungan sya kpag may kailangan sya, ganun nmn kapag nagmamahalan dba? Nagtutulungan sa abot ng makakaya.
Valentines day nung nag date kame, nakakatuwa nga kce sa araw ng puso kasama ko sya. Nagkaroon kame ng time sa mismong araw na yun. Kaso bago kame magkita sa circle sinubok muna kame ng panahon, naipit ako sa traffic at nahirapan sya sumakay. halos usad pagong ang andar ng jeep na sinasakyan ko peo sya hnd prin nakakasakay. Dahil sa araw ng puso kaya traffic. Ang sabe nya tatakbuhin nlng daw nya mula sa kanila hanggang sa circle, kaya medyo nag-alala ako dhil hnd biro ang layo nun. Super effort sya nun magkita lang kame. Nakarating na ako lahat-lahat peo wala pa sya kaya sa paghihintay ko pinapanood ko muna ang mga matatanda na nagsasayaw, naaliw ako sa mga senior citizen na nagsasayaw ng ballroom at kung ano-ano pa, iniimagine ko tuloy na kameng dalawa ang nagsasayaw sa gitna at walang ibang iniisip, na magkatitigan lang kameng dalawa sa mata na nagsasabe kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Nang dumating sya ay halos hingal na hingal at pawis na pawis, sobrang naawa ako sa kanya at nakonsyensya na sana hnd ko nalang sya pinilit na magkita kame sa mismong araw na yun. Peo dhil andun na kame ay eninjoy nlang namin, halos wala nga kame maupuan dhil walang bakante, puro lovers ang nasa paligid. White roses, chocolate at special love letter ang binigay nya skin, at ako, wala man lang kaya medyo nahiya ako, malay ko ba kung kailangan yun, hnd nmn importante ang bagay basta kasama ko lng sya at first time ko makipag-date sa araw ng mga puso, para na akong tumama sa lotto dhil kasama ko ang pinakamamahal kung lalaki sa balat ng universe. Kso unforgettable moment din yun nung nadukot ang cp nya, dhil sa sobrang siksikan at agawan sa sakayan. super effort pa sya nun dahil hinataid nya pa ako sa bahay halos tahimik sya sa byahe, kaya pinagpasya ko na ipahiram sa kanya yung cp na medyo hnd ko nmn nagagamit para may magamit sya. Totoo tlaga sa kabila ng sobrang saya may kapalit na kalungkutan. Ilang araw din bago sya nagparamdam, sobrang namiss ko sya nun at sa wakas maycontact na ulit kame sa isat-isa.
Lumipas ang ilang buwan naging madalang ang pagkikita namen, andyan din ang madalas na pagtatalo, peo nagkakaayos nmn.
Sobrang nasaktan ako ng minsang lokohin nya ako, may nabasa ako sa fb nya na sobrang nakasakit skin, may contact silang dalawa ng Ex nya at nagsinungaling pa sya sakin nung minsang tumawag ako sa kanya, sobrang nabawasan ang tiwala ko sa kanya, naparanoid ako nun sa totoo lng, puro hinala na. binigyan ko sya ng pagkakataon wag lang masira ang relasyong binuo namin, sa tuwing binubuksan ko fb nya laging may kaba sa dibdib ko, na baka gawin nya ult skin yun, nasaktan ako ng sobra sobra nun, galit na galit ako sa kanya kaya kung ano-ano nalang nasabi ko sa kanya. Nagpatawad ako magka-ayus lang kame, mahal ko kce kaya hnd ko kayang iwan, oo nagkamali sya peo nangako syang hnd na nya uulitin yun.
Sembreak na nun kaya medyo naging madalang ang pagkikita naming yun. Sobrang namimiss ko sya kpag hnd kame nagkikita kaya lagi akong nakatambay sa fb nya. puno rin ako ng mga picture nya sa cp ko. At ganun din sya. Hnd prin nmn nawawala ang communication namin sa isa’t isa, minsan ako dumadalaw dun sa pinagtratrabahuhan nya dahil hnd sya pwdeng umalis  at baka hanapin. Give and take lang kame.
iLang linggo nlang ay 18th bday ko na, hnd ko akalain na makakasama ko sya sa bday ko. Kinulit ko tlga sya pumunta sa pinakamahalagang araw sa buhay ko, kht nmn walang program basta kasma ko ang pamilya ko, mga kaibigan at sya masayang Masaya na ako dun. Peo pinaghandaan prin nila papa at mama ang bday ko kaya maayus na nairaos iyon, at sa wakas naging legal nrin kame kay papa, napakilala ko na sya sa mga kaibigan ko at sa isa sa pinakamamahal kung lalaki sa buhay ko, si papa. Nairaos ng maayos ang kaarawan ko at sobrang Masaya ako dahil kumpleto ang mga mahal ko sa buhay. Medyo may hnd kanais-nais lang na panyayari bago sya umalis peo atleast Masaya sya, aus na skin yun.
Napapadalas na ang dalaw nya sa bahay namin, at hnd na kailangan maghintay pa sya sa labas. Marame ring pagbabago ang nangyari sa buhay ko at ilang beses pang nangyari yun simula nang mag 18 ako. Gumawa pa nga ako ng port folio para sana sa 1st anniversary namin kaso hnd na nangyari yun, hnd na natapos at hanggang ngaun nsa kanya pa. gift ko sana yun sa kanya, paghihirapang tapusin.

Sa buhay tlga ng tao nakaakibat na ang mga suliranin at problema, sa mga nakaraan buwan nagkalabuan kame dahil sa problema, dahil sa tutol ang pamilya nya skin, dun nagsimula maging komplikado lahat para sming dalawa, kaya ko nmn labanan yun basta wag lang sya bibitaw, nagbreak kame at ilang araw din yun, halos gabe-gabe ako umiiyak at nakikiusap na sana kaya ko to lampasan, halos lahat ng kaibigan ko hinihingi ko ang payo nila para skin peo parang hnd nakakatulong at tanging hinahanap ay sya lang, sobrang laki na ang naging parte nya sa buhay ko kaya hndng hnd na mawawala yun. Hnd ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko, umaasa na magkakabalikan pa kame, kailangan ko pa sya kausapin at sundin ang kondisyon nya magkabalikan lng kame kaya ginawa ko din para smin dhil hnd ko kayang wala sya sa buhay ko, nagkabalikan kame peo S.o lang, kumbaga secret on, pumayag ako nun dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Nagpakatanga ako alang-lang sa pag-ibig, at handa ko kalimutan yung pagpapakatanga ko para sa kanya. Sa mga nagdaang araw halos lagi ko sya naaalala, napapaluha nlang bigla, hnd sya kayang hnd itext sa isang araw, hnd ko matanggap na nangyayarin yun sming dalawa.
Hanggang sa naghiwalay kame ulit sa panibagong problema, ako rin nmn cguro ang may mali na sana hnd na pinansin ang problemang yun. Nanahimik nlang sana ako para ok na lahat. Nung una hnd ko alam gagawin ko, gabe-gabe halos umiiyak ako at nasasaktan sa mga txt nyang ayaw na nya, sobra akong nasaktan dun at hnd ko alam ang gagawin ko, dumating din sa time na hnd ko na kayang mabuhay, at nagtangkang magpakamatay. Ayaw ko nakikita ung mga kaibigan ko na nagpapakatanga sa BF peo ako gingawa ko, magaling ako mag-advice sa lovelife peo pagdating skin nabobobo ako, nabulag ako sa pagmamahal sa kanya, mahal na mahal ko ang buong pagkatao nya, at hnd ko kayang mabuhay ng wala sya, hnd ko alam kung bkt kailangan pa na dumating kame sa ganto, tanging hiling ko lng ngaun ay magkabalikan kame, Malabo na cguro para sa kanya peo skin handa akong kalimutan yun at tanggapin sya, hnd man happy ending ang resulta  maghihintay parin ako sa kanya hanggang sa maging ok na ang lahat, gusto ko nga mauntog ng pagkalaka-lakas para makalimutan nlang sya at hnd na maalala kso ang hirap tlaga, hnd ko kayang may iba na sya, sana bumalik sa pagkakataon na Masaya ulit kame at wala ang problemang yun. Ang skit isipin na mauuwi lng sa ganito ang binuhos mong pagmamahal sa kanya, ang pinangarap ko makasama sa buhay ngaun ay nilalayo nya ako sa kanya. Malapit na sya magtapos sa kanyang kurso at malalayo nrin sya skin, marame sya oportunidad na naghihintay sa kanya, marameng makikilala na higit pa skin. At natatakot akong mabaon sa limot ang pagmamahal na inalay sa kanya. Pagmamahal na sobrang nagpabago ng pagkatao ko.
Handang magpatawad, handang kalimutan lahat, handang maghintay para sa kanya, ganun ko sya minahal.
Marame akong natutunan sa kanya na sobrang bumago sa buhay ko, ang laki ng naging parte nya sa buhay ko kaya mahirap na sya mawala. Ang sabe nga ng iba “kung hnd mo kayang kalimutan sya, sanayin muna ang sarili muna nakatira sya dyan sa puso mo”. Lagi syang bukambibig ko sa mga kaibigan ko kaya minsan naiirita sila skin dahil paulit-ulit nlang ako, naawa ako sa sarili ko na pinapaasa ko lang sa wala ang sarili ko, sobrang hirap na hirap na ako lagi nlang ako umaasa na magkakabalikan kame. Maghihintay ako kht gaano pa katagal makasama lang sya ulit, sobrang mahal na mahal ko sya at baka hnd ko kayanin kpag may pumalit na sa dating pwesto ko. Ganito kpag tinamaan ka ng sobra at binigay sa kanya lahat lahat ng meron ka. Halos hnd kna nagtira sa sarili mo, nakalimutan muna mahalin sarili mo. Ganun ko sya kamahal

Sana bumalik kung ano man ang meron kame dati.
Nangako ako sa kanyang maghihintay kht gaano pa katagal, hnd man nya tumaparin iyon.
Iloveyou Pa, babe, mahal, bebe, husbie ko

Miss na miss na kita, tandaan mo pangako ko sau ah. Hnding hnd magbabago pagmamahal ko sau hnding hnd ka mawawala sa puso’t isip ko, at sana hnd pa maging huli satin ang lahat.
Anong feeling ng inlove?? Ang sarap sa feeling dba, Lalo na kapag alam mong mahal na mahal nyu ang isa’t isa, napapangiti ka sa simpleng messg. na binibigay nya, na para sayo ang laki ng bagay. Pero ano naman ang feeling ng nasaktan dahil sa pag-ibig?? Doble doble naman ang sakit na mararamdaman mo, lalo na ang dahilan ng pag-iyak mo ay ang taong mahal na mahal mo at ang laki na naging parte nya sa buhay mo, yung iiyak ka nalang bigla dahil maalala mo yung pinag-awayan nyu. Na lagi mong maiisip na hnd ka importante sa kanya dahil sa wala na syang oras sayo, Na puro hinala ka nalang dahil sa mga nagawa nyang kasalanan sayo.
Pero naisip mo narin ba kung may mali kang nagawa sa kanya, problemado na nga sya dumadagdag kapa na lalong nagpapainit ng ulo nya, hindi mo ba naisip na may kailangan syang unahin bukod sayo, na mas kailangan nya ng pag-unawa mo at mahabang pasyenya. Dahil sa buhay ng isang tao may obligasyon tayo na mas dapat unahin at gampanan. hindi lang sayo umiikot ang mundo nya, Dahil ikaw din ay may dapat gampanan sa buhay para sa pamilya mo.
Kung talagang mahal mo sya, uunawain mo sya, magbibigay ka ng mahabang pasyensya sa kanya, kung nagkasala man sya noon, Mag-move-on ka dahil nakaraan na yun at hindi na pwedeng ibalik pa, hnd na pwede pang baguhin at ang maganda nalang gawin ay tanggapin mo ang katotohanan. Oo masasaktan ka talaga, peo ano ang mas gusto mo? malaman mo ang katotohan o matakpan nalang ang kasalan?
Minsan masakit talaga ang katotohanan, pero kailangan tanggapin, tha’s life eh! kasama sa buhay ang masaktan minsan ng sobra pra may matotonan at malay mo yan pa ang magpabago sayo.Minsan kailangan magpaka-martir, tumanggap ng mali ng isang tao, dahil tao lang sila, hnd perpekto,at dahil tao ka lang din kailangan mong magpatawad at tanggapin ang katotohanan, maging bukas tayo sa lahat ng bagay, dahil kung kayo talaga, ipagpaubaya mo sa Diyos. May plano sa inyo ang Diyos kung bakit pinakilala  kayo sa isa’t isa.

Pag-unawa, pagpapasyensya, pagpapatawad at maging bukas sa lahat ng bagay dahil dyan kayo magtatagal. dahil hnd kau magtatagal kung puro pagmamahal lang ang umiiral, at hnd rin kayo magtatagal kung puro hinala ang binibigay mo sa kanya, kasabay ng pag-tibok ng puso mo sa kanya wag mong kalimutan pairalin ang utak, dahil hindi man nagkakamali ang puso at hindi pumipili ng mamahalin wag parin kalimutan pairalin ang utak.